Wednesday, July 8, 2009

San Lorenzo Hymn

Ang bayang Pilipino
Ngayon ay nagsasaya.
Isang sugo sa langit
Tayo ay mayroon na.
Salamat sa Maykapal
Sa banal na biyaya.
Tinanghal ng daigdig,
Kayumangging dakila.

Purihin ka Lorenzo
At ‘yong mga kasama.
Alagad ng Maykapal
Sagisag ng pag-asa.
Sa rosaryo ng Birhen
kami’y iyong kasama.
Iyo ang aming puso
Lorenzo de Manila.

Ipagbunyi rin natin
Mga kasamang martir.
Sa lupa at sa langit
Sila ay dadakilain.
Salamat sa Maykapal
Sa banal na biyaya.
Tinanghal ng daigdig
Kayumangging dakila.

2 comments:

  1. pwd po ba makahingi ng guitar chords ng san lorenzo hymn yan po ang patron nmin ndi p nmin alam kantahin

    ReplyDelete
  2. That Hymn to San Lorenzo was composed by Dom Benildus Ma. Maramba, OSB, a Benedictine monk of Montserrat Abbey in Mendiola :)

    ReplyDelete