Alay kay San Lorenzo
by Ate Ruby Almazan
Coordinator, SLRP Education Ministry
O mahal naming San Lorenzo,
Dakilang Patron ng Lahing Pilipino,
Langit ang Siyang pumili,
Upang alagaan Liping Kayumanggi.
Ikaw ang ginawang Tagapamatnubay,
Dito sa aming mahabang Paglalakbay,
Upang Siyang maging Gabay,
At mapanuto n'yaring mga Buhay
Ikaw ay naging Matapat,
Kung manalangin ay maluwat,
Sa Inang Birhen na Maawain,
Sa mga namimintuho't nanalangin.
Katapangan mo'y walang kapantay,
Tiniis pagsubok sa Dakilang Buhay,
Nawika pang, "Makalilibo man mag-uli,
Sariling Buhay ay iaalay lagi."
Kaya naman ipinagkaloob ng Langit,
Tingalain ka, at alayan ng awit
Mga sakripisyo't mga dalit,
Maging daluyan, Grasya ng Langit.
Dito sa lugar na takdang inilayon,
Upang Ikaw ngayon ang aming Patron,
Katuwang sa matinding paghamon,
Dulot ng magulo at makabagong panahon,
Kaisa ka namin sa lungkot at tuwa,
Kasagutan naman sa mga namamanata,
Kaya nga't lagi kaming panatag,
sa panahon ng ligalig at bagabag.
Kaya ngayon sa iyong Kapistahan,
Kabi- kabila ang sayaw at kantahan,
Mainit at masigabong palakpakan,
Larawan ng tuwa't Kasayahan.
Dakila ka O San Lorenzo,
Ipinabubunyi ng mga Pilipino,
Kami ngayon ay Nanalangin,
Pasasalamat namin ay Tanggapin.
No comments:
Post a Comment